Posted in Family

Ang Pangarap kong Duyan

May mga simpleng  pangarap ako noong bata pa. Una, gusto ko maging teacher o cashier sa department store; pangalawa, magkaroon ng bahay na may terrace/balcony at duyan (swing) na gawa sa rattan.

duyan
Rattan Swing

Noong elementary pa kasi ako at tinatamad magturo ang teacher, pagagawain kami ng activity; ang magdrawing ng dream house. Syempre lagi present ang araw sa pagitan ng dalawang bundok, palayan at puno na nakapaligid sa bahay at ang aking pangarap na duyan sa labas.

tumblr_l43xuejqtc1qas29to1_500
Bahay sketch from  http://how.to-draw.co.uk/

Iba ang buhay sa probinsya. Sariwa ang simoy ng hangin, maganda ang view ng mga bundok at rice fields, masarap at fresh ang mga pagkain at higit sa lahat walang traffic. Chill lang. Hindi nakakainit ng ulo ang ingay ng mundo.

Up to now kahit madami nang nabago sa buhay at sa mga pinapangarap ko, one thing still remains. I still want the simplicity of my dream when I was young. Ang buhay probinsya para sa aming pamilya. Lagi ko nai-imagine na nagaalmusal at nagku-kwentuhan kami ni Chuck tungkol sa kagandahan ko..(joke lang! Syempre ibubully nya ako..as always! Mas masarap siguro ang 3-in-1 coffe kapag ganito ang view..hehe Hindi na kailangan ng electric fan kasi fresh naman ang hangin. Sobra sigurong matutuwa ang anak kong si Riley habang nagbibisikleta dahil malawak na ang playground niya. Nakakakilig isipin. 🙂

Habang ang aking munting pamilya ang inspirasyon ko, ang view na yan naman ang motivation ko. Mahirap man magsimula..pero mas mahirap kapag wala kang nasimulan kasi hindi matatapos yan.

makiling
Mt. Makiling

Hindi naman masama mangarap ng engrande. “Dream Big” as what they say. Tama naman ‘yon..but for me, wala rin masama kung i-achieve mo rin ‘yong mga unfulfilled dreams mo di ba? Wag kang gaya-gaya. Hindi porke’t mansion na ang bahay ng kaibigan mo, maiinggit ka na rin. Gawin mo lang itong inspirasyon to improve yourself. Balikan mo ‘yong mga simpleng bagay na nagpapasaya sayo. Iba man ang ikot at ganap sa universe ngayon, naniniwala ako na your inner core makes you authentic. Take time to listen to that at made-discover mong may purspose ka pala talaga sa buhay.

dreamquotes565by400

Masyado na bang madrama? Nagsimula lang sa duyan, ang dami nang nasabi. Feel na feel ko kasi eh..hehe

Ito ang lagi kong sinasabi sa sarili ko:

“Malaki man o maliit ang pangarap mo, matutupad lang ito kung may effort at consistency ka. Never give up Mommy. Wag iyakin at mag-lipstick!”

-Khay ❤

Advertisements

Author:

I’m weird and clumsy at the same time. Mother of two; one is my 1 year old son, the other one is my husband. Frustrated cook. Feeling masterchef in our small kitchen. Loves the stars, mountains, smell of books,3-in-1 coffees, original glazed doughnuts and Pikniks. 90's music and lipstick lover. Chubby since birth. Child at heart.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s